Dingdong at Rocco, naghahanda na sa pagbabalik-trabaho para sa DOTSPh

August 14, 2020
Dingdong Dantes and Rocco Nacino
Dingdong Dantes and Rocco Nacino

MATAPOS ang ilang buwang break sa taping, naghahanda na ngayon sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actor Rocco Nacino na magbalik-trabaho para sa pinagbibidahang programa na Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Dingdong na pinaghahandaang mabuti ng kanilang team ang magiging proseso sa pagbabalik-taping para maging ligtas ang pagtatrabaho nilang lahat bilang pagsunod sa health protocols.

Aniya, “Kailangan 'yung preparedness namin kung dati level 100, dapat 1000 siguro ngayon kasi we're not after time but also our safety and the safety of others as well.”

Maging si Rocco ay excited na ring muling magtrabaho. “Ganado kaming magtrabaho ulit. Ramdam namin 'yung excitement at saya kasi nga naramdaman namin na may balik 'yung pinaghirapan namin,” say ng aktor.

Dagdag motivation sa cast ng serye ang pagkakapanalo nito bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa katatapos lang na 15th Seoul International Drama Awards.