Direk Antoinette patuloy ang tagumpay

February 05, 2020
Antoinette Jadaone
Direk Antoinette Jadaone

ANG 35-year-old writer-director na si Antoinette Jadaone ang sumulat at director ng “The Soulmate Project” ang bagong ginagawang teleserye under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal na pinagtatambalan ng Filipino-Australian singer-actor at record producer na si James Reid at ang Korean-American na si Nancy McDonie ng K-Pop all-female group na Momoland.

Si Direk Antoinette din ang sumulat at nagdirek ng first two TV series nina James Reid at ex-girlfriend nitong si Nadine Samonte, ang “On the Wings of Love” at “Till I Met You” at siya rin ang writer-director ng 2018 hit movie ng dalawa under Viva Films, ang “Never Not Love You”.

Antoinette started writing and directing in 2011 sa pamamagitan ng indie movie na “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay” na pinagbidahan mismo ng character actress na si Lilia Cuntapay.  Ang nasabing pelikula ay nagwagi ng anim na awards mula sa 2011 Cinema One Originals Digital Film Festival at kasama na rito ang Best Actress award para sa namayapang veteran actress.

Nagsimulang gumawa ng ingay si Antoinette bilang writer-director nang kanyang idirek ang `hugot’ movie na “That Thing Called Tadhana” na tinampukan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman in 2015.  Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang kanyang TV and movie projects bilang writer-director tulad ng “Relaks, It’s Just Pagibig” na tinampukan nina Sofia Andres, Iñigo Pascual at Julian Estrada in 2015 na sinundan ng “All You Need is Pag-ibig” na pinagbidahan naman nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Kim Chiu, Xian Lim, Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria.

In 2016 ay si Antoinette din ang sumulat at nag-direk ng hit movie na “The Achy Breaky Heart” na tinampukan naman nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Richard Yap.

In 2017 ay siya rin ang writer-director ng “Love You To The Moon and Back” na pinagbidahan ng dating magka-loveteam at magkasintahan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Antoinette turned movie producer sa pelikulang “Changing Partners” na dinirek ng nobyo niyang writer-director-producer na si Dan Villegas.  Ito’y tinampukan nina Agot Isidro, Jojit Lorenzo, Sandino Martin at Anna Luna.

Taong 2018 nang gawin ni Antoinette ang hit movie nina James Reid at Nadine Lustre, ang “Never Not Love You” under Viva Films na nagbigay kay Nadine ng tatlong Best Actress awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.  Ito rin bale ang last movie project ng dating magkasintahan.

In 2019, nagpatuloy ang winning streak ni Antoinette bilang writer-director sa pamamagitan ng “Alone/Together” movie ng magka-loveteam and real life sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil na kumita ng P370-M sa takilya.

Bukod sa bagong serye na kanyang pinamamahalaan, ang “The Soulmate Project,” si Antoinette din ang writer-driector ng “Fan Girl” na pinangungunahan ni Paulo Avelino.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakasal si Direk Antoinette sa kanyang long-time boyfriend, ang writer-director-producer na si Dan Villegas.