Direk Perci at Jun, kinuwestiyon ang pagiging Kristiyano sa eksena ni Paolo

January 20, 2019
Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

May eksena sa Born Beautiful na ini-expect nina Director Perci Intalan at Director Jun Lana na may magri-react.

Ito ’yung eksena ni Paolo Ballesteros (may cameo siya sa movie) na nagpakita kay Martin del Rosario na ang ayos at make-up ay parang si Virgin Mary.

Naikwento ni Direk Jun na kahit sila ng mga sciptwriter, habang pinag-uusapan ang eksena, tinanong ang mga sarili kung Kristiyano pa ba sila.

Pero sa dialogue ni Paolo kay Martin, sinabi niyang hindi siya si Virgin Mary.

Pinuri nina Directors Perci at Jun si Paolo dahil nang malamang may ganu’ng eksena, pinag-aralan agad kung ano ang make-up na gagawin sa sarili, kaya naman almost perfect ang transformation nito.

Kapag pinanood ninyo ang Born Beautiful, kayo na ang magsabi kung may rason bang magreklamo ang mga Kristiyano.

Sa January 23 na ang simula ng showing ng Born Beautiful na, hopefully, kung gaano karami ang tao na nanood sa screening ng uncut version, ganu’n din sa regular showing.