DOH, walang kinalaman sa pagtigil ni Angel

April 14, 2020
Angel Locsin

IPINAALAM ni Angel Locsin sa publiko na tigil na ang #UniTENTweStandPh campaign noong April 13 at hindi na sila tatanggap ng cash donations.

Umabot sa P10,956,702.98 ang total donation na natanggap nila at mula sa halagang ito, 150 hospitals na ang napatayuan nila ng tents.

Sinagot ni Angel ang tanong ng isang netizen kung totoong ipinatigil ng DOH ang pagse-set-up nila ng tents at kung ito ang rason kung bakit inihinto na ang #UniTENTweStandPH campaign.

“Not true po. Why would DOH do that? Fake news. Hindi lang po kami magbibigay pa ng sanitation tent with mist sa mga ospital na nag-request dahil may statement ang DOH at sumusunod tayo. Pero ang pagtayo ng hospital tents ay tuloy pa rin na sya naman po talaga ang focus ng campaign.”

Sa almost P11M na natanggap na donation ng #UniTENTweStandPH campaign, ang P3M ay donation ni Sharon Cuneta, kaya malaki ang pasasalamat sa kanya ni Angel, pati na rin sa iba donors.

“Salamat po! Donation po mula sa taong bayan,” ani Angel.