Dolphy binigyang-parangal ng Google

July 26, 2020

ANG yumaong Comedy King na si Dolphy (Rodolfo Vera Quizon, Sr.) could have been 92 years old sa kanyang kaarawan nung nakaraang July 25 pero siya’y sumakabilang buhay 15 days short sa kanyang ika-84th birthday nung July 10, 2012.

Habang ginugunita ng pamilya Quizon, ng kanyang mga kaanak at mga kaibigan in and out of the industry ang kanyang magkasunod na death anniversary (July 10) at kaarawan (July 25) ay nagbigay-pugay naman sa kanya ang Google, ang American multi-national technology company by using his cartoonish face sa logo ng Google na ikinabigla at ikinatuwa ng pamilya,  mga tagahanga at ang mga Filipino in general.  Ito’y bilang pagkilala ng Google sa mga naiambag sa sining at sa industriya ng pelikulang Pilipino ng namayapang Comedy King.

Bilang pasasalamat, ang spokesperson ng pamilya Quizon  at isa sa mga anak ni Dolphy, ang actor-director na si Eric Quizon ay nagpasalamat sa pamunuan ng Google sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Natuwa  rin ang dating partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla sa tribute na ibinigay ng Google.