Donasyon, kapalit ng drawing ni Tom

April 15, 2020

LINGID sa kaalaman ng ilan, bukod sa husay umarte ay may itinatago ring talento si Kapuso leading man Tom Rodriguez pagdating sa pagguhit.

Ang kanyang hilig at galing sa pagdo-drawing ang ginagamit ni Tom ngayon para makatulong sa mga apektado ng COVID-19.

Nag-volunteer kasi si Tom sa ‘Guhit Pantawid: Portraits for a Cause,’ isang initiative mula sa mga artist para makalikom ng pondo at donasyon para sa mga jeepney driver, street vendor at construction worker na naapektuhan ang pangkabuhayan dahil sa enhanced community quarantine.

Matapos mag-donate (₱500 per head), kailangan lang mag-sumite ng donation slip at larawan ng nais ipaguhit sa grupo.

Sa kanyang Instagram post, ibinida ni Tom ang sample portrait niya ng girlfriend na si Carla Abellana.

Agad namang nahikayat ang followers ng Kapuso actor na magpa-drawing sa kanya, lalo pa nga at may mabuting mapupuntahan ang kikitain ng kanilang donasyon.

“I want a portrait of @carlaangeline with your signature on it, posible ba yun @akosimangtomas?” tanong ng isang follower.

Samantala, hindi muna mapapanood sina Carla at Tom sa pinagbibidahang GMA series na “Love of my Life” dahil nga tigil muna sa taping ang lahat.

Sa halip, pansamantala itong pinalitan ng “My Husband’s Lover” pagkatapos ng “Meant To Be” sa GMA Telebabad.