Donita Nose nakalabas na ng ospital

August 13, 2020
Donita Nose

NAKALABAS na ng pagamutan ang pinakabagong celebrity na naka-recover sa Covid-19 after Michael V., ang stand-up comedian-TV host na si Donita Nose (Rodello Juntos Solano in real life).  Pero hindi agad-agad makakabalik sa “Wowowin” si Donita Nose dahil kailangan pa niyang magpa-quarantine ng 14 days sa kanyang bahay.

Aktibo ngayon ang 41-year old comedian-host sa kampanya na hindi dapat ma-discriminate ng lipunan o ng kanilang kapwa ang mga nag-positibo sa Covid-19 dahil sila man (Covid-19 patients) ay biktima ng mapamuksang pandemya na hanggang ngayon ay hinahanapan na ng lunas.