Donita tinulungan ni Willie

July 28, 2020
Donita Nose

NAG-POSITIBO ang stand-up comedian, actor at isa sa mga co-host ni Willie Revillame sa kanyang “Wowowin” na si Donita Rose (Rodello Juntos Solano in real life), 41, sa Covid-19 at kasalukuyang nagpapagaling sa St. Luke’s Medical Center.  

Nung nakaraang Biyernes, July 24 pa sumugod sa ER ng St. Luke’s at hindi siya agad nabigyan ng kuwarto dahil puno na ang pagamutan.  Pero ang magandang balita ay nagpapagaling na si Donita at malamang na siya’y ma-release sa lalong madaling panahon.

Dahil bawal ang bantay sa mga Covid-19 patients, mag-isa si Donita sa paglaban sa virus.

Bago nagpa-confine naranasan niya ang lahat ng sintomas ng positibo sa corona virus kaya agad siyang sumailalim ng swab test.

Kilala bilang impersonator, ginagaya niya ang dating MTV VJ at actress na si Donita Rose kung kanino niya kinuha ang kanyang screen name.

Although hindi pa fully recovered si Donita Nose, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagdasal for her fast recovery.

Tinulungan siya sa medical bills ni Willie Revillame.