‘Eat Bulaga,’ Naghahanda na para sa lenten offering

February 14, 2019

SAMANTALA, ibinalita sa amin ni Joey de Leon na pinaghahandaan na ng “Eat Bulaga” ang kanilang Lenten offering ngayong Abril.

Nagkaroon umano ng palabunutan kina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey kung saan sila magti-taping ng kani-kanyang episode. Japan ang nabunot ni Bossing (Vic), Hong Kong kay Joey at Sagada naman kay Tito Sen.

Sa Holy Land naman ang tungo ng mga Dabarkads (although hindi makakasama ang lahat) sa Holy Week courtesy of TAPE, Inc. and APT Entertainment big boss na si  Mr. T. (Tony Tuviera).

Ang top-rating at long-running noontime show na “Eat Bulaga” ay magsi-celebrate ng kanilang ika-40th  anniversary this year na nagsimulang umere nung July 30, 1979.

Inamin din ni Joey na hanggang ngayon ay wala pa rin umano silang kontrata sa TAPE, Inc. na siyang producer ng “Eat Bulaga” isang indikasyon na mas mahalaga ang kanilang magandang samahan at pagiging isang pamilya.