Ellen may bagong bf?

April 15, 2020
Ellen Adarna and Carlos Lemus
Ellen Adarna and Carlos Lemus

DAPAT sana’y paalis ang (dating) Kapamilya actress na si Ellen Adarna patungong Madrid, Spain next month pero ang kanyang planned trip ay na-kansela dahil sa coronavirus (Covid 19) pandemic.

As early as last month or  early this year ay napapabalita nang may bagong lovelife umano si Ellen dahil nakita ito sa ilang larawan kasama ang isang Spanish guy na nagngangalang Carlos Lemus.

Matapos ang kanyang two-week mental training in Bali, Indonesia na may kinalaman sa depression and anxiety na kanyang naranasan after she got pregnant at pagkamatay ng kanyang mahal na ama, aminado ang Cebu-based actress na at peace umano siya ngayon sa kanyang sarili at sa kanyang buhay.

She considers herself a full-time mom to her almost two-year-old son (courtesy of her ex-boyfriend na si John Lloyd cruz) na si  Elias Modesto at tumutulong din siya sa kanilang family business laluna’t wala na ang kanyang amang si Alan Modesto.

Dahil nasa Madrid, Spain ang bagong napupusuan ni Ellen, she is currently maintaining a long-distance relationship with Carlos habang nagagawa pa rin niya ang kanyang role as a mother to her son maging sa tanggapan ng kanilang kumpanya.

Wala umanong balak si Ellen na magbalik-showbiz.  “Not in the next seven years,” aniya.