‘Elvis Presley’ ng ‘Pinas, namaalam na

February 14, 2019

ANG  veteran singer-actor at tinaguriang “Elvis Presley of Asia” na si Edgar Opida ay sumakabilang-buhay last Wednesday, February 13 ng hapon sa St. Luke’s Medical Center in Quezon City due to cardiac arrest matapos buksan ang kanyang skull for brain tumor operation.

Ayon sa panganay na apo ni Edgar na si Priscilla (20), na-diagnose umano ang kanyang lolo na meron itong brain tumor (benign) matapos itong magka-seizure nung January 27.  Ito umano ang dahilan kung bakit nila dinala si Edgar sa Capitol Medical Center kung saan ito sumailalim ng iba’t ibang check-up at laboratory tests.  Dito nagkaroon ng rekomendasyon ang doctor na sumailalim siya ng brain surgery dahil sa isang malaking bukol na nakita sa kanya.  Humingi ang pamilya ni Edgar ng pangalawa at pangatlong opinion sa ibang doctor bago sila nag-desisyon na ito’y maoperahan na at sumang-ayon naman ang singer-actor.

Last February 11 ay dinala na si Edgar sa St. Luke’s Medical Center and he was in high spirits.  Normal umano ang vital signs nito pati blood pressure at positibo ang singer-actor maging ang kanyang pamilya na magiging successful ang brain operation.  Masaya pa umano si Edgar when he was wheeled in sa operating room ng alas-12 ng tanghali last Wednesday habang ang kanyang pamilya ay naiwan lamang na naghihintay sa magiging resulta ng operasyon sa isang private room.

Nang simulan ang operasyon, marami uma-nong dugo ang nawala at unti-unti naman umanong humina ang kundisyon ng puso nito kaya inihinto ng dalawang oras ang  operasyon at hindi na umano itinuloy ang pagtanggal ng tumor nito.  Bandang alas-4:30 ng hapon ay ipinatawag na ang pamilya ni Edgar pero matapos ang ika-anim na beses na pag-revive dito ay tuluyan na itong bumigay.

Si Edgar ay nagsimula ng kanyang singing at acting career in early 70’s.  Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay ang “I Do Love You’ (1970), “Tukso” (1971), “Ang Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak” in 1978.

Isa siyang big fan ng `King of Rock `n Roll’ na si Elvis Presley na sumakabilang-buhay nung August 16, 1977.  Since then ay patuloy nang ginagaya ni Edgar ang  namayapang `King of Rock `n Roll’ which earned him the tag as “Elvis Presley of Asia”. Hindi lamang siya sa Pilipinas nakapag-tanghal kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nung nabubuhay pa si Edgar ay mahilig itong magbiyahe sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.

Naiwan ni Edgar ang kanyang asawang si Eva Opida, ang tatlong anak na sina Venus, Margarita at Adonis (na lahat naka-base sa Dubai) at anim na mga apo – sina Priscilla (named after the wife of Elvis Presley), Michaela Liza Marie, ang kambal na sina Aaron at Bryan, si Maya Alessandra at si Gabriel.

Kumpleto ang kanyang pamilya nang mawala si Edgar dahil umuwi ang tatlo niyang mga anak from Dubai kasama ang kanyang mga apo.

Ang mga labi ni Edgar ay kasalukuyang nakaburol sa St. Peter Memorial Chapel along Quezon Avenue in Quezon City.