Engaged at may anak na pero di pa kasal

March 23, 2020

ON August 15, 2020 ay mag-iisang taon na ang first-born ng engaged couple na sina Gwen Zamora at cager na si David Semerad na si Cooper John pero hanggang ngayon ay hindi pa nagsi-share ang dalawa kung kelan mangyayari ang kanilang kasal.

It was on May 10, 2019 nang mag-propose si David kay Gwen sabay ng kanilang pag-announce sa pagbubuntis noon ni Gwen.

Engaged na rin ang twin brother ni David na si Anthony Semerad na isa ring PBA player sa fiancé nito, ang actress-celebrity endorser and entrepreneur na si Sam Pinto.  Ang dalawa ay hindi pa rin nagbabahagi ng kanilang wedding plans lalupa’t nasa gitna pa ang Pilipinas at iba’t ibang bansa ng COVID-19.

Ang twin brothers na sina David at Anthony Semerad ay parehong Australian-born Filipino-Czech professional basketball plays ng PBA.