Erika gives birth to second baby

April 12, 2020

KAYA pala hindi gaanong visible ang model-turned actress and part-time host na si Erika Padilla ay dahil buntis ito ngayon sa kanilang magiging second baby ng kanyang hubby, ang dating PBA player-turned Alaska Aces coach na si Jeff Cariaso.   Ang panganay na anak ng mag-asawa na si Greyson Cariaso ay magti-three years old na on September 7.

Si Erika ay anak ng retired general na si Ricardo Ilagan Padilla, dating regional director ng Region 4 (Calabarzon) at incumbent mayor ng Bongabon, Nueva, Ecija.  Isa namang negosyante ang kanyang ina na dating singer-dancer.

It was in 2008 nang sumali si Erika  sa Miss Bikini Philippines pageant kung saan siya ang tinanghal na Miss Photogenic.  Sa kanyang first TV appearance noon sa dating noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN, ang “Wowowee” siya naispatan ni Johnny Manahan ng Star Magic at pinapag-audition siya.

Si Erika ay nagtapos ng Political Science sa Ateneo de Manila University