Eugene nagulat sa regalo ni Marian

June 19, 2020
Eugene Domingo and Marian Rivera
Eugene Domingo and Marian Rivera

HINDI inaasahan ng award-winning actress at comedian na si Eugene Domingo na makatatanggap siya ng isang regalo mula sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ibinahagi ni Eugene sa Instagram ang tungkol sa inorder na bulaklak sa business ni Marian na Flora Vida at nagulat siya na may bonus na regalo pala itong kasama. Aminado si Uge na bukod sa order ay marami pa siyang napupusuang bulaklak mula sa collections ni Marian. Kaya naman laking gulat at tuwa niya nang dumating ang order.

Aniya, “OMG. Marian sent me the one I wanted to buy -- the gypsophila but I was budgeting myself.” 

Dahil dito, pinuri ng 'Dear Uge' star si Marian, "@marianrivera, you are the most gracious and the sweetest. God bless you more, my dear."

Shayne at Lexi tampok sa GMA Playlist Live

NGAYONG Sabado, June 20, live na magpapakitang-gilas ang mga 'StarStruck Season 7' alumni na sina Shayne Sava at Lexi Gonzales sa stay-at-home version ng GMA Playlist.

Inaasahang matutuwa ang viewers sa inihandang performances ng dalawang naggagandahan at talentadong Kapuso artists sa 'Afternoon Jam' simula 5 P.M. sa GMANetwork.com/Playlist, official Facebook pages ng GMA Network at GMA Playlist, pati na rin sa GMA Network Twitter account at GMA Playlist Youtube channel.