Ex-wife ni Gab, may bago na ring lovelife

February 21, 2019

KUNG may bagong lovelife ngayon si Gab Valenciano (second son ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano), ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Joann Santiago, nakahanap na rin ng ibang partner ang ex-wife ni Gab, ang Fil-Aussie blogger-host-model na si Tricia Centenera sa pamamagitan ng 51-year-old lawyer at real estate developer na si Duane Santos.  They were together since end of 2017 and are now expecting their first baby, a girl anyday soon.

Si Duane ay magi-eight years nang  hiwalay  sa kanyang ex-wife (of 15 years) at meron silang isang 14-year-old daughter.

Base sa background ni Duane,  siya ang tumatayong EVP and General Manager ng Greenfield Development Corporation. Nagtapos siya ng management degree sa Kellogg School of Management at Northwestern University and economics degree sa University of Pennsylvania at limang taong nag-aral sa Oxford University in England.

Kahit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dating mag-asawang Gab at Tricia ay nanatiling magkaibigan ang dalawa at close pa rin si Tricia sa pamilya ni Gab.