Ex-wife ni John may sariling fund drive

August 06, 2020

MAY sariling GoFundMe app ang first ex-wife ng actor na si John Regala na si Au Manalastas-Hunt sa Amerika para sa sarili niyang fund drive para makatulong se medical expenses ng kanyang ex-husband na naka-confine ngayon sa National Kidney and Transplant Institute since Tuesday evening.

Kahit mahigit dalawang dekada nang hiwalay sina John at Au at meron silang isang anak, ang 25-year-old na si John Paul Kieffer at may sarili na ring pamilya sa Amerika, pamilya pa rin ang turing ni Au sa dating asawa na may sakit ngayon.

Walang anak si Au sa kanyang present American husband na si Stephen Hunt pero very supportive ito sa pagtulong ng kanyang wife sa dati nitong mister sa Pilipinas.

Kung hindi lamang sa pandemya, dadalaw sana si Au at ang kanilang anak ni John na si Kieffer sa Pilipinas para makita at madamayan ang may sakit na aktor.