Fans, kinikilig sa Julie Anne-Rayver tandem

February 24, 2019
Rayver Cruz

Nagbabalik-Studio 7 si Rayver Cruz pagkatapos mawala ng isang linggo dahil sa biglaang pagpanaw ng Mommy Beth niya dahil sa pancreatic cancer. 

Nag-report na si Rayver sa set ng Sunday Music Tambayan ng GMA Network last Thursday sa Valenzuela People’s Park.

Sa naturang lugar kinunan ang part 3 ng Musikalye episode ng Studio 7.

Natutuwa ang utol ni Rodjun Cruz na maraming kinikilig at nagkakagusto sa pakikipag-duet niya sa co-star niyang si Julie Anne San Jose.

Pero pagdiriin ni Rayver, hindi sila permanent loveteam ni Julie Anne bagkus ay nagkakasama lang sila sa isang production number sa programa.

“Oo nga,” sambit ng Kapuso hunk, “ang daming nagtu-tweet”.

“Parang hindi naman pine-pair, binibigyan lang ng prod tapos maraming natuwa. Gusto ko rin namang ka-partner si Julie sa kantahan kasi sobrang galing niya, magaling umalalay,” papuri niya sa tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart.

Balak munang magbaksyon sandali ni Rayver sa abroad ngayong magtatapos na ang Asawa Ko, Karibal Ko sa Biyernes.

Ang Asawa Ko, Karibal Ko ang kauna-unahang major project ng aktor mula nang lumipat siya sa Kapuso Network.

“Ngayon pa lang nakaka-sepanx (separation anxiety) na, eh. Lalo na sa akin na first show ko ito sa GMA, naging comfortable ako agad. Hindi ko talaga ito makalilimutan kasi ito talaga ’yung first show ko.”

Dagdag ni Rayver, “Mami-miss ko ’yung grupo, ’yung show mismo. Ang saya kasi ng samahan plus napaka-ganda nu’ng project. Sobrang blessed na ito ’yung first show ko sa GMA.”                               LM