Fans nina Alden at Maine, nagtataka

March 01, 2019
Maine Mendoza and Alden Richards
Maine Mendoza and Alden Richards

PHENOMENAL star Maine Mendoza turns 24 on Sunday, March 3 kaya malamang na bigyan ito ng special birthday presentation sa “Eat Bulaga” sa araw na ito kung saan magkasama sila ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards who also guested on “Daddy’s Girl,” ang Saturday sitcom ni Maine with Bossing (Vic Sotto).

Kahit nali-link ngayon si Maine sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde, thankful pa rin ang AlDub Nation nina Alden at Maine na magkasama pa rin ang dalawa sa “Eat Bulaga”. Umaasa rin ang fans ng dalawa na sana’y muli silang makagawa ng movie together tulad ng ginawa nila nug 2016, ang “Imagine You & Me” na kinunan pa sa Italy at dinirek ni Mike Tuviera under APT Entertainment. Malaking hit ang nasabing pelikula kaya nagtataka ang supporters nina Alden at Maine kung bakit wala silang follow-up movie project.