Fashionista

January 20, 2019
Jinkee Pacquaio
Jinkee Pacquaio

Pinatunayan ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na siya pa rin ang World Boxing Association Welterweight champion nang talunin niya si Adrien Broner via unanimous decision sa laban nila kahapon na ginanap sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Ito ang 61st victory ni Pacman at ang unang laban niya since he turned 40 years old.

Partida, ha, si Broner ay 29 years old lang.

Walang knockdown na naganap, pero kitang-kita sa laban na talagang na-dominate ni Pacman si Broner.

Kitang-kita rin na panay ang takbo ni Broner at iilang suntok lang ang pinakawalan.

Kapuna-puna rin na all throughout the fight ay kundisyon na kundisyon si Pacman at sobrang taas ng energy.

May nabasa kaming komento na umiinom daw yata ng fountain of youth ang senador.

Naging laughing stock naman si Broner sa ginawa niyang estilo ng paglaban at ang lalong ikinaloka ng lahat ay ang akala nitong siya ang nanalo sa laban.

“I beat him. Everybody out there know I beat him,” pahayag ni Broner sa post-fight interview sa kanya ni Jim Gray.

’Kaaliw naman ang ilang shots sa live streaming ng laban kung saan nakita sa screen ang misis ni Pacman na si Jinkee na ilang beses napapayuko sa round na tinadtad ng suntok ng mister ang kalaban.

Fashionista na fashionista ang dating ni Jinkee at talaga namang mapagkakamalan mong artista sa puting damit, ayos ng buhok at make-up.

Cute ang Instagram video na in-upload ng ABS-CBN sportscaster na si Dyan Castillejo, kung saan pinuntahan ni Jinkee si Manny sa locker room matapos ang fight.

Kitang-kitang sa video ang pakikipag-selfie nito sa asawa at nang marahil ay hindi kuntento sa picture nila, humirit ng “isa pa!” at wala namang nagawa si Manny kundi pagbigyan siya.

Matapos iyon, humingi ng tubig ang Pambansang Kamao saka hinarap ang mga gustong mag-interview sa kanya o kaya naman ay bumati sa pagkapanalo niya.

Samantala, as of press time, ipinagbubunyi siyempre ng buong Pilipinas si Pacman.

Congrats, Senator Manny!