First Easter celebration nina Sarah at Matteo bilang mag-asawa

April 13, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

SA kauna-unahang pagkakataon ay nag-celebrate ang newlywed couple na sina  Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng kanilang first Easter Sunday celebration kasama ang pamilya ni Matteo.  Bago ang Easter Sunday celebration ay naging  abala ang mag-asawa  kasama ang dalawang kapatid ni Matteo na sina Georgia at Paulo sa pagpi-pintura ng mga Easter egg.

Salu-salo ang buong pamilya ni Matteo dahil naroon din  ang kanyang parents na sina Gianluca at Glenna Fernan-Guidicelli at mga kapatid na sina Paulo at Giorgia at mister nitong si Ian Dato.

Hanggang ngayon ay hindi pa tanggap ang dalawa ng mag-asawang Delfin at Divine Geronimo.