Foundation para sa mga nangangailangan sa showbiz itinatag

August 03, 2020
 Nadia Montenegro, Aster Amoyo, John Regala and Liza Dino
Nadia Montenegro, yours truly, John Regala and FDCP chairperson Liza Dino

ISA ang inyong lingkod sa nagpapasalamat sa lahat ng tumugon at sumuporta at patuloy pang tumutulong sa 55-year-old actor na si John Regala who is currently suffering from liver cirrhoris at iba pang kumplikasyon ng kanyang sakit.  Bukod kina Raffy Tulfo, Rep. Ronnie Ong, ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, Richard Gomez, former senator  Jinggoy Estrada, marami pang ibang kilalang personalidad sa showbiz at pulitika ang nagpasabi na nakahanda umano silang tumulong. At may non-showbiz netizens na nagpaabot din ng kanilang tulong sa pamamagitan ng online fundraising program na aming itinatag sa tulong nina Nadia Montenegro at mag-asawang Chuckie at Aileen Dreyfus at kung saan kaagapay din namin ang FDCP chairman na si Liza Dino at  si Dra. Melissa Sinchongco ng Volunteer CorpsPH. Sila ang regular  na dumadalaw ngayon  kay John na sinimulan last Friday, July 31 para tugunan ang ilang medical concerns ng actor.   At ang nakakatuwa, sa unang pagkakataon ay nag-iba ang aura at glow ni John matapos itong sumailalim ng ilang medical procedures sa tulong ni Dra. Sinchongco na nasa puso ang pagtulong.

Sa simpleng kuwentuhan namin nina Liza Dino,  Nadia Montenegro over merienda matapos naming dalawin si John, isang konsepto ang aming kasalukuyang binubuo, isang charity foundation para makatulong laluna sa maliliit na manggagawa sa TV and movie industry na kahit kaunting tulong ay hindi man lamang naambunan.  At ang nakakatuwa, marami ang nag-signify ng kanilang intention na maging miyembro sa non-profit organization na gusto naming itatag.

We don’t intend to be one of the officers of the foundation na aming itatayo, Gusto lamang naming maging bahagi (and one of the movers) ng isang organisasyon na kahit sa maliit na paraan ay makatutulong sa ating kapwa at kasamahan sa industriya.

Ang magiging officers and members of the new charity foundation ay kailangang committed at bukal sa puso ang pagtulong nang walang inaasahang kapalit.

Hindi pa man buo at naitatayo ang foundation  ay nagbigay na ng kanyang inputs at commitment ang Probinsyano Partylist Representative na si Ronnie Ong.  Umaasa rin kami na makakakuha kami ng suporta mula sa iba’t ibang sector laluna ng mga taga-industriya na may kakayahan.