Gabbi ipinasilip ang ginagawa sa kwarto

August 05, 2020
Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

SA kanyang latest vlog, ipinasilip ni Gabbi Garcia kung paano niya inayos ang kanyang work from home setup. Sa hallway papasok ng kwarto niya ay makikita ang isang green na backdrop, “So every Sunday, our show in GMA na All-Out Sundays (AOS), we have work from home na rin. All our production numbers, we shoot it sa bahay by ourselves. One of the requirements is this chroma or green screen.”

Kuwento ni Gabbi, dati ay sa kama o sa dining area siya nauupo para sa online meetings o live streams, kaya masaya siya sa bagong work table niya sa kwarto. Artworks, dried flowers, at colorful, personalized notebooks ang ilan sa decorations na napili niya para dito.  

Bukod sa vlogs at AOS, napapanood si Gabbi sa ‘Encantadia’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.