Gabbi, kinilig sa papuri ni Sharon

May 19, 2020
Sharon Cuneta

Kinilig ang Kapuso actress at “Encantadia” star na si Gabbi Garcia sa papuri ni Sharon Cuneta sa kanyang recent Instagram picture.

Sa larawan na ipinost ni Gabbi mula sa kanyang magazine photoshoot kung saan napapaligiran siya ng electric fan, sinabi ni Sharon na sa tingin niya ay isa si Gabbi sa mga may pinakamagandang mukha sa industriya.

“I think you are one of the most beautiful,” anang Megastar.

Kilig na kilig namang nag-reply si Gabbi sa papuring natanggap mula sa singer-actress, "Omg Hi Ms. @reallysharoncuneta! I'm so kilig! Thank you po, stay safe always! My parents and I just re-watched ‘Caregiver’ last night.”

Bukod sa aktibong pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic, kasalukuyang napapanood si Gabbi sa rerun ng pinagbibidahang telefantasya na “Encantadia” kasama sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez at Kylie Padilla sa GMA Telebabad.