Gabbi may ginagawa sa bahay kasama si Khalil

June 19, 2020
Gabbi Garcia

KAHIT stuck at home pa rin, sinisigurado ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na maging productive ang kanyang araw. Sa latest YouTube vlog ng aktres kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos, ibinahagi nila kung paano nila ginagawa ang photo shoots ng dalaga sa bahay.

Ilang tips ang ibinahagi ng couple sa kanilang vlog kung saan si Khalil ang may hawak ng camera habang si Gabbi naman ang kanyang muse. Bukod diyan, nagkaroon sila ng photo shoot sa tulong ng video-conferencing app na Zoom. Para mapanood ang kanilang creative at-home photo shoots, bisitahin ang official YouTube channel ni Gabbi. 

Samantala, pinuri ni Willie Revillame si Gabbi nang mag-guest at kumanta sa Wowowin nitong linggong ito.