Gabbi may relationship advice

August 14, 2020
Khalil Ramos and Gabbi Garcia
Khalil Ramos and Gabbi Garcia

GOING strong ang relasyon ng Kapuso star na si Gabbi Garcia sa boyfriend na si Khalil Ramos kahit na hindi sila masyadong nagkakasama dahil sa  community quarantine. 

Nang tanungin ng fans kung ano ang sikreto sa kanilang healthy relationship, ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng isang livestream ang love advice na ito: "I think it's one, time management, and it's acknowledging there's a level of maturity that you have to attain for you to accept that you have to balance out everything. You have to weigh your priorities, hindi pwedeng dahil sobrang in-love kayo ay talagang 'yun lang 'yung gagawin n'yo."

Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi bilang si Alena sa rerun ng ‘Encantadia' sa GMA Telebabad.