Gabby, ayaw makialam sa pagbubuntis ni Andi

February 02, 2019
Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

Bago pa man nag-announce si Andi Eigenmann na she’s pregnant for the second time, this time sa kanyang surfer-boyfriend na si Philmar Alipayo, alam na ng half-brother niyang si Gabby Eigenmann ang tungkol dito.

Nakausap namin si Gabby last Friday sa mediacon ng bago niyang drama series sa GMA-7, ang Inagaw na Bituin, at aniya, sinabi na ito ni Andi sa kanya before the announcement.

Paano naman niya ito tinanggap?

“Sa akin kasi, at the end of the day, I’ll always support my sister. Kung anuman ang maging desisyon niya sa buhay. Lalo na ngayon, she’s of age.

“I don’t meddle, hindi ako nakikialam. Kung humingi ng advice sa akin, I’ll just say my piece, pero I will never dictate,” pahayag ni Gabby.

Aminado ang aktor na nagulat siya na malamang buntis ang kapatid.

“There’s always a surprise factor naman ’pag may mga ganyan. Kasi, kung alam mo nang mangyayari ’yun, ibig sabihin, parang hindi natuto noong una,” aniya.

Pero hindi naman daw niya masasabi na hindi na natuto ang kanyang kapatid.

“Kasi, happy siya, eh. Masaya siya, eh. Ginusto niya ’to, eh. I cannot say na hindi siya natuto. Because at the end of the day, I don’t wanna consider it as a mistake. It’s a blessing,” he said.

Hindi pa raw niya nami-meet si Philmar pero siyempre, given the opportunity, gusto rin niya itong makilala dahil magiging parte na rin ito ng kanilang pamilya.

Samantala, ang Inagaw na Bituin ang first soap ni Gabby this year.

Hindi pa niya masabi kung good or bad guy ang kanyang role rito basta ang malinaw lang daw ay isa siyang ruthless producer at hindi naman tipong kontrabida talaga.

Ang Inagaw na Bituin ay pagbibidahan nina Kyline Alcantara at Therese Malvar na magsisimula na sa Feb. 11 sa GMA Afternoon prime.

Kasama rin sa serye sina Manolo Pedrosa, Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Marvin Agustin at marami pang iba.