Gabby Concepcion ipinasilip ang buhay sa Batangas farm

April 24, 2020
Gabby Concepcion

ISANG video tour sa kanyang farmhouse sa Batangas ang ginawa ng actor na si Gabby Concepcion para sa kanyang fans at followers. Sa kanyang Instagram video, pinasilip ng aktor ang kanyang ‘Amang Lobo Homestead’ farm sa Lobo, Batangas kung saan siya kasalukuyang nananatili dahil sa lockdown sa Luzon. 

Sa video, makikita ang dagat mula sa kwarto ni Gabby pati na rin ang mga pananim tulad ng puno ng saging, talong at oregano. May mga alagang hayop din ang aktor sa kanyang farmhouse. Ibinalita rin ni Gabby na sisimulan din niyang ayusin ang kanyang jetski. 

Samantala, pagkatapos ng lockdown, mapapanood si Gabby bilang leading man ni Marian Rivera sa upcoming GMA series na ‘First Yaya.’