Gabby, 'papable' ang ermitanyo look sa lockdown

April 04, 2020
Gabby Concepcion
Ngayon lang nag-post si Gabo ng kanyang larawan during the enhanced community quarantine kaya naman umani ito ng katakut-takot na “likes.” In fairness to Gabby, kahit ano yatang hitsura niya, kahit ermitanyo look ay gwapo at "papable" pa rin talaga.
Makikita rin sa YouTube vlog ng aktor ang video kung saan naglaga siya at kumain ng saging na saba nang naka-topless, huh!

ERMITANYO look na si Gabby Concepcion ngayon dahil sa enhanced community quarantine.

Nag-post ang aktor ng kanyang “new look” sa Instagram today kung saan ay makikita ngang mahaba na ang kanyang buhok, bigote at balbas.

Sa picture ay may hawak na saging na saba si Gabby at sa caption, aniya ay nasa Lobo, Batangas siya at 18 days nang naka-lockdown doon.

“Saging Saba (Banana) na ang hawak ko! 18 days na akong LOCKDOWN sa Lobo, Batangas. Tumubo na ang buhok ko sa face. Another 30 days baka sa PUNO na ako mag Vlog dahil buong katawan ko puro buhok na! #banana #saging #lobo