Gap nina Sharon at KC lumalala

February 05, 2020
Sharon Cuneta and KC Concepcion
Sharon Cuneta and KC Concepcion

SA obserbasyon ng marami, mukhang lumalala ang gap ngayon  ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concecpion.

Hindi sinipot ni KC ang birthday presentation ng kanyang ina sa “ASAP Natin `To” at binati lamang ang ina sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.  Hindi rin nagpakita si KC sa actual na kaarawan ni Sharon nung January 6.  Wala rin umano si KC sa traditional Christmas Day lunch at New Year’s celebration ng pamilya.  Nag-post naman ng mahabang mensahe si Shawie sa kanyang Instagram account patungkol kay KC.  Pero kamakailan lamang ay nakasama ni KC ang amang si Gabby Concepcion sa isang dinner date.

Ang pakiramdam ni Sharon ay lumalayo sa kanya si KC maging sa kanilang pamilya. May nagsasabing nagseselos na si KC sa kanyang mga kapatid.

Samantala, nasa pangangalaga na rin ng Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo si KC, isang indikasyon na gusto na nitong maging active muli sa kanyang showbiz career.