Gardo pinagpalit?

August 13, 2020
Gardo Versoza
Gardo Versoza

ANG mga beteranong aktor na sina Gardo Versoza at Tina Paner ang bibida sa next episode ng Wish Ko Lang. Mag-asawa sina Gardo at Tina sa kuwentong ire-reenact nila pero ipagpapalit ng karakter ni Tina si Gardo kay Anjo Damiles.

Sa kuwento, dedicated husband at father si Gardo pero kahit tila perfect family man siya, nagawa pa ring mangaliwa ni Tina.

Sabi ni Tina, na-challenge daw siya sa role niya. “First time ko ‘yung ganung klaseng role. Flirty siya. Pero in real life di ko kaya ‘yun.”

Si Gardo naman, kahit marami ng role na nagampanan, bagong experience pa rin ito. “Ngayon lang ako nagkaroon ng character na na-stroke sa pagkakaalala ko.”

Aminado naman si Anjo na kinabahan siya sa mga eksena niya with Gardo and Tina. “Kasi baka ‘pag nagkamali ako mapagalitan ako. Pero ‘yun pala pareho po silang mabait at pareho rin pong masaya ka-eksena at kasama sa set." Wish niya nga raw na maka-trabaho niya ulit ang dalawa.

Kasama rin sa episode sina Micko Laurente at Miggs Cuaderno na gaganap bilang mga anak nina Gardo at Tina. Sa Sabado na ito (August 15) pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.