Gary at Bernadette naghanap ng ibang mapagkakakitaan

August 01, 2020
Gary Estrada
Gary Estrada and family

ANG 49-year-old actor-turned entrepreneur na si Gary Estrada ay abala ngayon pagpapatakbo sa kanilang farm sa Quezon maging sa kanyang bagong construction business habang ang wife niyang si Bernadette Allyson naman sa kanilang family business.

Maganda ang love story ng mag-asawa. Mahigit isang taon nang break ang dalawa nang hindi inaasahan ng actress na magpu-propose sa kanya si Gary in March 2001 na agad sinundan ng kanilang pagpapakasal in June of the same year.

Parehong may ibang kasintahan noon sina Gary at Berna nang sila’y unang magkakilala sa isang movie project kaya hindi roon nagsimula ang kanilang relasyon.  In another project na kanilang pinagsamahan ay pareho na silang libre at doon nagsimulang i-pursue ni Gary si Berna. Pero after one year ay nagkahiwalay ang dalawa.  Muling nagkaroon ng ibang kasintahan si Gary habang si Berna naman was going on on dates with other guys.  Pero isang araw, bigla na lamang naisip ni Gary na mahal niya si Berna kaya walang kaabug-abog na niyaya niya itong lumabas and on their way to Makati City sa loob ng sasakyan ay biglang nag-propose si Gary na labis na ikinabigla ng misis na niya ngayon.

Ang buong akala ng marami noon ay sina Donita Rose at Gary ang magkakatuluyan.  Tahimik lang noon ang naging relasyon nina Gary at Berna kaya marami ang nabigla nang magpakasal ang dalawa at going 20 years na rin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.  Ang couple by biniyayaan ng tatlong anak na babae – sina Garielle Bernice (18), Garianna Beatrice (13) at Gianna Bettina (12).

Ang panganay na anak ni Gary at kaisa-isang anak na lalake,  ang young actor na si Kiko Estrada (25) ay anak niya sa actress na si Cheska Diaz, nakatatandang kapatid ng actor na si Joko Diaz at anak ng yumaong character actor na si Paquito Diaz.

During the lockdown, nakapag-bond nang husto ang pamilya ni Gary.  Dito rin niya nabuo ang planong construction business habang si Berna ay naging aktibo naman sa online food business.  

Since umuwi ng probinsya ang kanilang kasambahay, nakatuwang ni Berna ang kanilang tatlong anak ni Gary pati sa mga gawaing bahay.

Pawang mga artistahin ang tatlong anak  nina Gary at Berna pero isa lang sa kanila ang interesadong sundan ang yapak ng kanyang celebrity parents, ang second child na si Garianna.

Habang wala pang taping o shooting ang mag-asawa, naka-focus ngayon ang kanilang attention sa kanilang magkahiwalay na negosyo.

“Showbiz will always be in our hearts dahil diyan kami nagsimula at nakilala, pero in times like these, kailangang mag-isip ka rin ng ibang pagkakaabalahan at pagkakakitaan dahil may pamilya kang bubuhayin,” pahayag ng actor-entrepreneur at dating politician.

Ang maganda sa mag-asawang Gary at Berna, nagkakatulungan sila para itaguyod ang kanilang mga anak at pamilya.

Aminado rin ang actor na nagmula siya sa isang broken family at  ayaw umano niya itong sundan kaya gumagawa siya ng paraan na huwag mabuwag ang sarili niyang pamilya.

Although normal na sa isang mag-asawa ang magkaroon ng disagreements, hindi pa umano sila  humantong sa puntong  ma-threaten ang kanilang pagsama at mauwi sa hiwalayan.

Proud si Gary na si Berna ang kanyang naging misis at gayundin si Berna sa actor.