Gary V, ipinagdarasal si P-Digong

April 07, 2020
Gary Valenciano

MATAPOS ang Presidential speech ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, April 6 ay nagbigay si Gary Valenciano ng mensahe para sa ating Presidente.

Ayon sa nag-trending na tweet ni Mr. Pure Energy, ipinagdarasal niya ang ating Pangulo.

“To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak, but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer. God bless you sir...God bless us all,” ang mensahe ni Gary V.

‘Katawa ang isang netizen na nag-translate in simpler words kung ano ang ibig sabin ni Gary sa kanyang mensahe.

“translation: di ko na lang papansinin ang mga sinabi mo, pagpepray na lang kita. hahahaha! or translation: alam ko namang hopeless case ka na kaya pagpepray na lang kita,” komento ng netizen.

Ikinatuwa naman ng mga DDS (die-hard Duterte supporters) ang mensaheng ito ni Gary at komento nila, mabuti pa ang singer at naiintindihan ang ating Pangulo.

Ang iba naman ay ikinumpara si Gary sa anak na si Gab na nag-tweet ng kanyang disappointment sa government.

“There’s corruption, then there’s pure idiocy. It’s one thing to steal our money, another to put your own people at risk. Disappointment isn’t the word. Disgust would be more appropriate. Step down, sir. Or we will do it for you,” ang tweet ni Gab last week.

Kaya komento ng isang netizen, “I hope same po kayo ng mindset ng co artist nyo sa abs-cbn at pati ng iyong anak na si Gab. God bless po.”

Mabilis namang ipinagtanggol ni Angeli Pangilinan (wife of Gary) ang anak.

“Gab was referring to the COVID positive senator who went to the delivery room area and exposed the frontliners and other patients,” paliwanag ni Angeli.