Gelli at Ariel humaba ang bakasyon sa Canada dahil sa Covid 19

June 19, 2020
Gelli De Belen and Ariel Rivera
Gelli de Belen and Ariel Rivera with sons Joaqui and Julio

ANG mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera ay inabutan ng lockdown sa Toronto, Canada kung saan naka-base ang family ng singer-actor. Doon din nag-aaral ang dalawa nilang anak na sina Joaqui (Joaquin Andres) – 21 at Julio (Julio Alessandro) – 18.

Thrice a year ay dinadalaw nina Ariel at Gelli ang dalawang anak sa Canada at kapag summer break naman ay umuuwi ang mga ito sa Pilipinas.

Bago dineklara ang enhanced community quarantine (ECQ) na ngayon ay nasa general community quarantine (GCQ) na ay nakaalis na ang mag-asawa patungong Canada to visit their sons and Ariel’s family.  At doon na nga sila inabutan ng lockdown kaya na-extend ang kanilang bakasyon.  Kaya nagkaroon sila ng mas mahabang oras bonding with their two sons na umalis ng Pilipinas nung 2016 to study in Canada.

Sina Joaqui at Julio ay parehong nag-aaral sa Seneca College of Applied Arts and Technology in Toronto.  Joaqui is taking up aviation habang kinesciology naman ang kay Julio.