Ginagawa ni Yam, 'di na kapata-patawad

March 28, 2019

SA recent interview ni Jericho Rosales kaugnay ng patok na patok niyang teleseryeng “Halik” kasama sina Sam Milby, Yam Concepcion at Yen Santos, nasabi niyang natuto na siyang magpatawad.

Matindi ang naging reaction ng madlang pipol na patuloy na nanonoud gabi-gabi sa pahayag ni Jericho.

Hindi na raw kapata-patawad ang patuloy na pagsisinungaling at pagpapahirap ni Jade (Yam) kay Lino (Jericho).

Lalong sumasama at ginagawang impiyerno ni Yam bilang Jade ang buhay ni Jericho bilang Lino, ganun din ang buhay ng kanyang mga magulang  at kamag-anak.

Parang wala nang pag-asa na magsisi pa si Jade. Kaya, gusto na rin naming mainis kay Lino na sobra-sobra na ang pagtitiis at pagpaparaya.

Sakali mang gawin ni Lino ang magpatawad, hanggang doon na lang sana. Pero ang tanggaping muli si Jade ay hinding-hindi namin matatanggap bilang manonood. Hinding-hindi po.

Parang gusto naming kami na ang gaganti  para kay Lino at lagot ang Jade na 'yan sa amin.