Gladys may online acting workshop for kids na rin

August 09, 2020
Gladys Reyes

TULAD ni Cherie Gil na isang mahusay na kontrabida (primera contravida, in fact), isang online acting workshop for kids naman ang ilulunsad ng Kapuso actress at celebrity mom na si Gladys Reyes.

Dahil sa numerous requests na nakuha ng aktres mula sa followers niya na mga magulang, nagdesisyon siyang magkaroon ng special workshop na ‘Ang Arte Mong Bata Ka" na open sa lahat ng batang may edad 6 to 12 years old.

Sa kanyang Instagram post, inanunsyo ni Gladys ang kanyang bagong project habang patuloy na naka-quarantine sa bahay bunsod ng pandemya, “Mommies and Daddies, maarte ba anak nyo? Due to insistent parents' demand, we are now accepting participants for #AngArteMongBataKa Online Acting Kiddie Workshop. Open to ages 6 to 12yrs old.”

“If 5yrs old pero bibo at marunong na din sumunod sa instructions, pde na rin. Let's keep our kids productive in this time of pandemic. Learn, have fun and experience acting the unique way in this #NewNormal set up. Follow @sis_janice and msg her for details. #OAworkshop #OnlineActingWorkshop.”