Glaiza at British BF, stranded sa Baler

April 29, 2020
Glaiza de Castro & David Rainey.

Ang sarap ulit-ulitin pakinggan ang Ode To The New Heroes, ang song for the frontliners na sinulat nina Glaiza de Castro at  British boyfriend niyang si David Rainey.

Silang dalawa rin ang kumanta sa song at si Glaiza ang tumutugtog sa gitara.

Post ni Glaiza: “During the first few weeks of the quarantine, @david_rainey89 and I tried to make a song with our frontliners in mind. But it took a little while to convince him to sing with me on this video as he’s still a bit shy.

“Anyway, this is the least that we can do while we’re here. We all have different ways to cope, help and support and we hope we are able to share positivity amidst uncertainty through this. Thank you to @rona_pie for the song title suggestion.”

Marami agad ang nagkagusto sa song at pare-pareho ang suggestion na dapat i-record ito nina Glaiza at David, i-release para mas marami ang makarinig.

Nasa bansa pala si David at kasama siyang na-stranded ni Glaiza at ng pamilya nito sa resort nila sa Baler, Quezon.

Ipinakita ng couple na maganda ang kanilang tandem in writing songs at pati na rin sa pagkanta.

Anyway, matagal pa uling mapapanood sa teleserye si Glaiza dahil tigil ang taping ng shows sa lahat ng network.

Pero, nakapagsimula na silang mag-taping ni Mike Tan ng Afternoon prime ng GMA-7 na “Seed of Love.”