Glaiza iniwan na ng BF sa Baler

August 03, 2020
Glaiza de Castro

MUKHANG sinusulit ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang pag-stay niya sa kanilang beach house sa Baler, Aurora. 

Sa isang guesting ni Glaiza sa Mars Pa More noong isang linggo, ipinasilip ng aktres ang rooms at amenities ng kanilang bed and breakfast na kung tawagin nila ay Casa Galura. 

Aniya, “Nagsimula ‘yung idea ng bed and breakfast around 2 years ago noong nag-ocular kami dito sa Baler. Nakita namin itong property and parang maganda siyang i-develop. Nagkaroon ako ng idea from my travels.”

Apat na buwan na magmula ng abutan ng lockdown ang aktres sa Baler at hindi raw niya pinagsisisihan ang kanilang desisyon na manatili sa probinsya, “Good decision talaga na nagpunta kami dito. Isa ‘yun sa mga na-realize namin during lockdown na napakaganda talaga ng lugar na ‘to. Dati kasi tuwing weekends lang kami umuuwi. Ngayon, nakilala ko na ‘yung community, may friends na ko. Sobrang accommodating nila, sabi ko nga sa kanila parang ayaw ko ng umuwi ng Manila.”

Samantala, umuwi na ng Ireland ang boyfriend niyang si David Rainey nang mabigyan ng clearance pero babalik daw ito para ituloy ang coffee business at coffee shop na rin sa Baler.

Mukhang gusto na ni David na dito na manirahan sa Pilipinas, with Glaiza.