Glaiza masaya ang Valentine’s dahil sa Irish guy

January 29, 2019
Glaiza de Castro

MUKHANG magiging kakaiba na ang pagsi-celebrate ng Valentine’s day ng Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro dahil meron itong inspirasyon ngayon, ang kanyang Irish rumored boyfriend na si David Rainey na isa umanong surfing instructor.

Wala pang personal na pag-amin na nagmumula mismo kay Glaiza pero kung pagbabasehan ang mga post ng singer-actress kung saan sila magkasama ni David ay hindi maikakaila na may unawaan na ang dalawa bagay na ikinatutuwa ng kanyang mga kaibigan at isa na rito ang kanyang best friend, ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

Glaiza is yet to star in a new Kapuso TV series.  Huli siyang napanood sa Contessa.