Glaiza naka-shades habang naglalaba

April 17, 2020
Glaiza de Castro
Glaiza de Castro

BUKOD sa pagtatanim, natutunan din ni Glaiza de Castro ang iba’t ibang gawaing bahay habang naka-quarantine sa bahay. Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang litrato niya na naglalaba kaya naman naitanong ng isa niyang follower kung handa na ba siyang magkapamilya. Agad na sumagot si Glaiza at sinabing, “Itong quarantine na ito, para akong nag crash course sa pagkakaroon ng pamilya. Sinubukan ko lang kung mas mae-enjoy ko ba ‘yung pagkuskos kung naka shades. Nag-work naman.” Dagdag pa ng aktres, pagkatapos nito ay susubukan din niya ang hit ngayon na Pillow Challenge. 

Habang ay ECQ, napapanood ngayon si Glaiza sa rerun ng Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad.