Glaiza sobrang natuwa sa parody video ng Encantadia

August 09, 2020
Glaiza de Castro

TUWANG-tuwa si Glaiza de Castro sa isang parody video ng hit GMA primetime series na Encantadia.

Sobrang good vibes para sa kanya ang hatid ng video mula sa grupong ParoDivas sa paandar nilang ‘Bragais Tocotocoto" challenge habang nakasuot ng mga Sang'gre costume nina Amihan, Alena, Danaya at Pirena.

“Nagulat ako na sobrang effort 'yung pagkakagawa ng parody nila as in. Tapos natuwa ako nu'ng pinabago nila 'yung music. Nakaka-good vibes talaga,” kuwento ni Glaiza sa panayam ng 24 Oras.

Pinasalamatan din ng aktres ang grupo sa paghahatid ng saya sa gitna ng pandemya, “Parodivas, maraming maraming salamat sa good vibes na ipinarating n'yo sa amin. Nakakatuwa na naa-appreciate n'yo 'yung 'Encantadia.”

Napapanood si Glaiza gabi-gabi sa rerun ng Encantadia sa GMA Telebabad at sa Stairway to Heaven sa GMA Afternoon Prime.