Gloc 9 di lang rap songs ang gusto

March 01, 2020
Gloc 9

FORTY two-year-old award-winning rapper, singer-songwriter Gloc-9 (Aristotle Pollisco in real life) finished his course in nursing in STI-Farview pero hindi na umano siya kumuha ng board exam at hindi na rin niya na-practice ang kanyang tinapos. Nag-focus na umano siya sa pagiging writer-composer at rapper.

A big fan of the late King of Rap Francis `Kiko’ Magalona, Gloc-9 admits that he started listening to the  classic music hits ng `70s artists tulad ng Abba, Tom Jones at iba pa na siyang paboritong pakinggan ng kanyang ama pero sa kalaunan ay nag-iiba na umano ang kanyang interes sa music.  Nahilig siya sa pop ballads tulad ng mga songs nina Ogie Alcasid, Randy Santiago, Ariel Rivera, Gino Padilla at Gary Valenciano.  Pero  nang mauso ang mga rap at hip-hop songs at sumikat nang husto ang mga rap songs ni Francis M. dito siya napako nang husto.

Ayon kay Gloc-9, wala umanong mga gigs noon si Francis M. na hindi niya pinupuntahan hanggang sa ito’y maging kaibigan na niya.

Isa si Gloc-9 sa labis na nalungkot sa pagpanaw ni Francis M. nung March 6, 2009 dahil sa sakit na leukemia lalupa’t marami sana silang planong music collaboration before his death.

Sa pagpanaw ni Francis M. ay ipinagpatuloy ni Gloc-9 ang kanyang passion sa pagsusulat, pagku-compose at pagra-rap. Tulad ng mga rap songs noon ni Francis M, lahat ng  mga rap songs ni Gloc-9 ay may social statement

Gloc-9 considers himself a poet kaya plano niyang maglabas ng libro ng mga tula na may titulong “Mga Tula ni Aristotle Pollisco”.

Gloc-9 is married to Thea na siyang tumatayo rin niyang manager. Ang mag-asawa ay may dalawang anak, sina Danielle Shaun at si Sean Daniel.

Samantala, pangungunahan ni Gloc 9 ang isasagawang Padi’s Barkada Bar Tour 2020 sa iba’t ibang branches ng Padi’s Luzon-wide na kanilang sinimulan sa Padi’s Binan (Laguna) last Sunday, February 9 kung saan niya kasama ang rap-acoustic princess na si Lirah at ang smash hit alternative rock band na Sandiwa.  

Ang Padi’s Barkada Bar Tour 2020 ay magkakaroon ng 19 scheduled performances (out of 26 branches ng Padi’s) na magtatapos sa buwan ng Hunyo.