Glydel hindi nagsisi na naghubad sa pelikula

August 20, 2020
Tonton Gutierrez and Glydel Mercado
Tonton Gutierrez and Glydel Mercado

AYON sa ng 45-year-old singer-actress na si Glydel Mercado, pinaka-memorable sa kanyang acting career ang pelikulang “Sidhi” na pinagsamahan nila nina Nora Aunor at Albert Martinez which was directed by Joel Lamangan and produced by Crown Seven Film Productions of Jesse Ejercito.  Ang nasabing pelikula ay Palanca award-winning story na isinulat ng yumaong writer, actor, director, poet, dramatist, essayist at educator na si Rolando Tinio na siya ring sumulat ng script kasama ni Ricky Lee.  Ang nasabing pelikula ay hindi lamang nanalo ng maraming awards including Best Picture kundi ito rin ang nagbigay kay Glydel ng kanyang kauna-unahang grand slam win bilang Best Supporting Actress.

Sa aming panayam kay Glydel, inamin nito na kamuntik umano niyang hindi tanggapin ang nasabing pelikula dahil sa requirement ng frontal nudity.  Kinausap umano siya nang masinsinan ni Direk Joel at ipinaliwanag sa kanya ang kahalagahan sa istorya ng eksenang `yon.  She was also assured by the award-winning director na magkaka-award siya sa kanyang role. 

Pagkatapos gawin ni Glydel ang “Sidhi” ay nahanay na siya sa liga ng mahuhusay na actress ng bansa.

Si Glydel ay nagsimulang kumanta-kanta sa mga fiesta or out of town shows kung saan niya madalas nakakasama ang sikat nang actor noon na si Jestoni Alarcon.

Ang yumaong si Vir Mateo umano ang unang tumulong sa kanya para makapasok sa showbiz.  Hindi nagtagal ay tinulugan umano siya ni Annabelle Rama para makapag-audition sa youth oriented program na “That’s Entertainment” ni German `Kuya Germs’ Moreno.  Pero dalawang taon lamang nanatili si Glydel sa nasabing programa nang magsimula siyang gumawa ng mga sexy movies.

“Napakalaking tulong sa akin ng “That’s Entertainment” dahil doon ako unang nakilala,” sabi ni Glydel.

“Sa `That’s….” kasi, na-train kami sa acting, hosting, singing, dancing kahit napakarami namin,” aniya.

Ang love affair nila ng  mister na si Tonton Gutierrez ay nagsimula sa set ng afternoon TV series na “Del Tierro” produced ng TAPE, Inc. (same producer ng “Eat Bulaga”) ni Tony Tuviera.

Anim na taong naging magkasintahan sina Glydel at Tonton at nung March 15, 2004 ay nagpakasal sila.  Bago si Glydel ay naging kasintahan ni Tonton ang actress na si Maricel Laxa na misis ngayon ni Anthony Pangilinan.

Ang mag-asawang Glydel at Tonton ay biniyayaan ng dalawang anak na parehong babae, sina Aneeka (16) at Aneeza (12).

Glydel is grateful kay Tonton sa pagiging isang responsible husband and father.

“I can’t thank God enough for blessing me with a good husband,” pagtatapos ni Glydel na mas madalas mapanood sa mga TV drama series ng Kapuso network.