GMA-7 tuluy-tuloy  na ang paggawa ng fresh episodes

August 15, 2020

TULUY-tuloy na ang paghahatid ng GMA Network ng fresh at brand new episodes ng iba’t ibang shows ngayong Agosto.

Ngayong August 15, isang bago at napapanahong kuwento ang hatid ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Simula August 16, mapapanood ang fresh episodes ng Idol Sa Kusina at iBilib. 

Sa August 21, may mga bagong sketches at gags mula sa longest-running comedy show na Bubble Gang.

Tutukan din sa August 23 ang pinakabagong episode ng Dear Uge Presents.

Samantala, siksik naman ang kuwentuhan, food at family bonding sa Mars Pa More at Sarap ‘Di Ba? habang patuloy sa paghahatid ng mga bagong adventures tuwing Linggo si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Amazing Earth.