GMA Films, balik-produksyon

January 15, 2019
Derrick Monasterio

Last leg na ng international tour ng Miss Saigon sa Cologne, Germany. Magsisimula ito in two weeks’ time at magtatapos naman sa March 3.

Ito ang ibinalita ng 2006 grand winner ng Pinoy Pop Superstar at gumaganap bilang Thuy sa UK at international tour ng Miss Saigon na si Gerald Santos.

Bahagi pa rin ng main cast ng award-winning musical ang ilang Pinoy celebrities tulad nina Leo Valdez (The Engineer), Aicelle Santos (Gigi Vahn Tranh), Christian Rey Marbella (Alternate The Engineer) at Joreen Bautista (Alternate Kim).

Kasama rin sa company sina Joaquin Pedro Valdes (Ensemble), Winchester Lopez (Swing), Irvine Abesamis (Ensemble) at Kristine Diaz (Ensemble).

Pagkatapos ng final bow sa Marso, balik-’Pinas muna si Gerald to fulfill his commitment sa Solaire Resorts & Spa para sa isang homecoming concert sa The Theater at Solaire on May 4.

Magiging bahagi sa homecoming show ni Gerald ang mga Pinoy star ng Miss Saigon international tour na sina Aicelle, Joreen at Leo.

* * *

Nagsimula nang gumiling ang kamera ng GMA Films para sa principal photography ng Kambal, Karnabal na pagbibidahan nina Derrick Monasterio, Super Tekla, Kiray Celis, Jo Berry at Kim Domingo, mula sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Simula na raw ito ng pagiging aktibong muli ng GMA Films sa paggawa ng pelikula.

Ilan sa award-winning films ng kumpanya ay ang Jose Rizal, Muro-Ami, Sa Pusod ng Dagat, Deathrow, The Road at marami pang iba.

Huling pelikula namang ginawa ng GMA Films ka-partner ang M-Zet at APT Entertainment ay ang Imagine You and Me nina Alden Richards at Maine Mendoza, which made a killing at the box office.

Samantala, excited si Derrick sa comeback movie ng GMA Films at lubos ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagtiwala sa kakayahan niya bilang aktor.