GMA Pinoy TV, may pa-tribute para sa Kapuso abroad na frontliners

April 15, 2020
GMA 7 artist

NAGSAMA-SAMA ang ilang Kapuso personalities at ang grupong bumubuo sa GMA Pinoy TV sa isang espesyal na music video na alay para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa iba’t ibang healthcare facilities at iba pang essential services abroad.

Sa sariling version nila ng “Buong Puso Para sa Kapuso”, talagang masasabing give na give ang mga empleyado ng GMA Pinoy TV. 

Nakikanta naman sa kanila sina Aicelle Santos, Alden Richards, Betong Sumaya, Christian Bautista, Golden Cañedo, Love Añover, Julie Ann San Jose, Mariz Umali, at Raffy Tima para palakasin ang loob ng lahat lalo na sa pagsubok na kinahaharap natin ngayon.

Para naman sa mga gustong magbigay ng tulong, inanyayahan din ng GMA Pinoy TV ang mga manonood na mag-donate sa GMA Kapuso Foundation. 

Mapapanood ang nasabing video sa Facebook page ng GMA Pinoy TV.