Golden, Jeremiah may payo sa future singing contestants

August 15, 2020
Golden Canedo and Jeremiah Tiangco

NAGBIGAY ng payo ang The Clash winners na sina Golden Canedo at Jeremiah Tiangco sa ‘The Clash' season three hopefuls matapos ilabas ng programa ang listahan ng mga pumasa sa first screening ng audition.

Payo ni Jeremiah, “I-enjoy n'yo 'yung moment 'pag andiyan na kayo sa stage at 'pag nasa workshops kayo. I-enjoy n'yo rin 'yung friendship, siyempre, 'yun 'yung hindi mawawala. Kahit hindi man kayo umabot sa pinakamalayo, 'yun 'yung hindi mawawala na memories, 'pag nagkaroon kayo ng maraming friends, sobrang saya n'yan."

“Hindi ito ordinaryong competition so maganda po sa experience ninyo na sumali kayo ng The Clash. Hindi lang ito competition para sa pagkanta, nagko-compete ka mismo 'yung sarili mo, kung paano mo iha-handle 'yung self mo during The Clash. Follow your heart, kung sa'n ka happy at kung sa'n ka enjoy. Isipin mo rin 'yung mga taong nagmamahal at sumusuporta sa 'yo,” payo naman ni Golden sa lahat mga nangangarap na maging next singing sensation katulad niya.