Grand wedding nina Richard at Sarah itutuloy pa rin

March 16, 2020
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

MATUTULOY pa rin ang grand wedding ceremony ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na gaganapin sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort, BGC, Taguig City to a later date kahit nakansela ang kanilang original date na March 14 dahil sa banta ng Covid 19.

Two days before the March 14 grand wedding ay nagsimula na ang event stylist na si Gideon Hermosa and his team  na i-dress up ang venue.  Naikabit na ang drapes at chandeliers at siniisimulan na rin nila ang pag-ayos ng  tunnel leading to the reception area when they were advised of the postponement of the event.  Naturally, he and his team got  devastated pero nauunawaan nila ang ang naging desisyon nina Richard at Sarah dahil hindi nila puwedeng ilagay sa peligro ang health at kaligtasan ng lahat ng dadalo sa kasal.  Gayunpaman, natuloy pa rin ang kasal ng dalawa on same day sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na dinaluhan ng respective families ng dalawa which was officiated by Judge Bernard Bernal sa satellite office  ng director-turned mayor ng Taguig na si Lino Cayetano  sa SM Aura also in Bonifacio Global City.   Ang intimate reception naman ay ginanap sa Samba Restaurant ng Shangri-la at the Fort also in BGC, Taguig.

Habang hinihintay pa ng newlywed couple na sina Richard at Sarah ang paghupa ng Covid-19, masaya ngayon ang dalawa dahil nabasbasan din sila ni Pastor John Ong na siyang magsasagawa ng kanilang grand wedding ceremony.

Present sa civil wedding ceremony nina Richard at Sarah ang kanilang respective families.  Naroon ang parents ni Richard na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama ang twin brother ni Richard na si Raymond, and eldest sister na si Ruffa at panganay nitong anak na si Lorin.  Present din ang parents ni Sarah na sina Abdel at Esther Lahbati.

Kung sina Richard at Sarah ay maghihintay lamang sa paghupa ng coronavirus bago isagawa ang kanilang naurong na  grand wedding, kakaiba naman ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na hihintayin munang humupa ang galit ng parents ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo at tuluyang matanggap sa kanilang pamilya ang mister na ngayon ng Pop Superstar na si Matteo.  Kapag okey na ang lahat ay saka lamang pa-planuhin nina Sarah at Matteo ang kanilang big wedding kung saan inaasahan ang pagdalo ng kanilang respective families.