Gretchen close na uli kay Claudine, si Kris naman ang kaaway

February 26, 2019
Claudine Barretto, Gretchen Barretto and Kris Aquino
Claudine Barretto, Gretchen Barretto and Kris Aquino

TULUY-tuloy na nga ang pagiging close muli  ng dating estranged sisters na sina Gretchen at Claudine Barretto na nakitang magkasamang nag-dinner sa Solaire Resort and Casino nung nakaraang February 5.  

Nang ma-confine si Claudine kamakailan lamang sa St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City in Taguig City, hindi nagpabaya si Gretchen sa kanyang bunsong kapatid.  Bukod sa pinadalhan ni Gretchen si Claudine ng isang malaking stuffed toy pillow, pinadalhan din niya ito ng pagkain bagay na sobrang in-appreciate ng ex-wife ni Raymart Santiago.

Samantala, kung nagkaayos na sina Gretchen at Claudine, mukhang nagsisimula pa lamang ang `alitan’ sa pagitan nina Gretchen at dating Queen of All Media na si Kris Aquino na nagsimula nang kampihan ni Greta ang kaaway ngayon ni Kris, ang dati niyang project manager at managing director sa kanyang itinayong production company, ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na si Nicko Falcis.

Tuwang-tuwa umano si Gretchen for Nicko nang ibasura ng Makati Prosecutor’s Office ang 44 counts of  qualified theft complaint ni Kris na isinampa ng host-actress at celebrity endorser in seven different cities ng Metro Manila which include Makati, Pasig, Taguig, San Juan, Mandaluyong, Manila at Quezon City.  Lalupa pa umanong natuwa ang long-time partner ng business tycoon na si Tonyboy Cojuangco nang magsalita rin ang dating producer ni Kris ng kanyang travel special in 2017 na ipinalabas sa GMA, ang “TripNiKris” na si Gng. Rhodora `Tita Doray’ Morales ng maaanghang laban sa host-actress.

Bakit kaya sobra ang galit ni Gretchen kay Kris?  Ano kaya ang pinag-ugatan nito?