Gretchen wala pang planong tapusin ang away nila ni Marjorie

March 29, 2019
Gretchen Barretto & Marjorie Barretto

MUKHANG wala pang planong tapusin ni Gretchen Barretto ang ‘away’ nila ng kanyang nakababatang kapatid na si Marjorie Barretto kahit nagkabati na silang muli ng kanyang  bunsong kapatid na si Claudine Barretto.

Tahimik na sana si Gretchen na may kinalaman sa issue nila ni Marjorie pero muling nabuhay ang galit nito sa kapatid nang mag-react ang ladylove ng businessman na si Tonyboy Cojuangco na may kinalaman sa mga pahayag ng panganay ni Marjorie na si Dani Barretto tungkol sa kanyang estranged father, ang actor na si Kier Legaspi na muling nagri-reach out sa kanyang anak. Apparently, hindi nagustuhan ni Gretchen ang mga tinuran ng pamangkin tungkol sa ama  kaya ipinagtanggol nito si Kier at muling naungkat ang galit nito sa ina ni Dani na si Marjorie.

Si Marjorie rin ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto, mga anak ng aktres sa actor-comedian na si Dennis Padilla maging ang bunsong si Erich na anak umano ng aktres sa isang politician.