‘Gupitan’ session nina Marian at Dingdong, click sa netizens

April 14, 2020
Dingdong Dantes & Marian Rivera

BINALIKAN ni Dingdong Dantes ang pag-aaral tumugtog ng gitara and hopefully, kapag na-lift na ang lockdown, marunong na siyang tumugtog nito.

Sa litratong kuha ni Marian Rivera na may hawak na gitara si Dingdong at parang kumakanta pa, ikinuwento ng aktor na sa grade school, drummer siya ng amateur rock band na ang claim to fame ay nanalong first runner-up sa ’94 Battle of the Bands na dalawa lang ang contestants.

“Since then, I’ve always wanted to learn how to play a whole song on guitar. The farthest i’ve reached was learning 3 chords -- G, D and A, mula pa sa kabanda kong magaling mag gitara. I had given up on that dream not until i saw the post of @kuyakim_atienza wanting to learn the instrument during this ECQ. So ayun, kailan pa ba ako matututo kundi ngayon? I am grateful to my friend (and grade school classmate) for hooking me up with one of their stocks! Mabuti na lang at may on-line tutorials din for beginners like me.

“First on the list is for my little Buddy’s celebration this coming Thursday -- ang napakahirap at napakalupet na Happy Birthday song. Ikaw, ano request mo? (kuha ni @marianrivera).”

Speaking of Dingdong and Marian, klik sa netizens ang “gupitan” session nilang dalawa.

Sa IG Story ni Dong, ipinakita niya kung paano siya ginupitan ng misis niya gamit ang isang razor.

Matapos iyon, ipinost din ng mag-asawa ang bagong look na bunga ng gupitan session.

Samantala, tuloy din ang pagtulong ni Dong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown at nasa bahay lang via #SanaOL campaign of Jobstreet and Workabroad PH na suportado ng pinamumunuan niyang YesPinoy Foundation.

Ang objective nito is to provide livelihood opportunities sa mga kababayan amid the COVID-19 crisis.

Also, pinasasalamatan si Dong at ibang Kapuso artists sa kanilang “NGiNINGITIAN tribute para sa frontliners.

Na-touch ang mga nakarinig at nakapanood ng video ng tula na sinulat ni Yan Yuzon.